Miyerkules, Marso 12, 2014

"Magagandang Tanawain sa Pilipinas"

  Mga Magagandang Tanawin sa Pilipinas




Chocolate Hills

Ang Chocolate hills ay isang burol. Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate. Maramin turista ang nagpupunta sa Bohol para makita ang chocolate hills
Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.


Pagsanjan Falls

Ang Talon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan. Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894. Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).

Banaue Rice Terraces

Ito ay ang baitang-baitang na palayan ng Banawe. Ito ay makikita sa mga gilid ng bundok ng Banawe at ginagamit na taniman ng palay. Dahil sa kakulangan ng kapatagan na maaaring gawing taniman ang mga gilid ng bundok ang inukit nila upang maging palayan. Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay isa sa mga binansagang World Heritage Site ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization) at ikawalo sa mga kahangahangang pook sa buong mundo. Pinaniniwalaang ang hagdan-hagdang palayan ng Banawe ay nililok 2,000 o 3,000 taon ng nakalilipas. Ang mga sinaunang katutubo ay hindi umano gumamit ng kahit na anumang makinarya. Gayunpaman, kamangha-mangha ang kagandahan nito.

Mayon Volcano

Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Filipinas ang Bulkang Mayon . Inihahambing ito sa Fuji ng bansang Hapon dahil sa perpekto nitong hugis na tulad ng sa apa. Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.
Ayon sa mga bulkanologo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate boundary 1 sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas.
Ang bulkang Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may katamtamang pagbuga ng lava nuong June 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang Mayon ay noong 1 Pebrero 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200 taong namatay. Ang kampanaryo ng simbahan ng bayan ang nakikita na lamang sa ibabaw ng lupa. Ang maiinit na abo ang nakapatay sa 77 katao, karamihan magsasaka, sa huling malakas na pagsabog ng Mayon nuong 1993. Sa taong 1984, mahigit 73,000 katao ang pinaalis sa 'danger zones' ayon sa mga siyentipiko ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala namang naiulat na namatay.

Hundred Islands

Ang Hundred Islands National Park (Pambansang Parke Laksang Pulo) ay binubuo ng maliliit at magkakalapit na pulong sakop ng Lungsod Alaminos, Pangasinan. , at naliligid ng sariwa't maalat na tubigan. Ang nasabing pambansang parke ay nasa Barangay Lucap, Lungsod Alaminos. Sumasakop ito sa 1,1884 ektarya, at binubuo ng 123 pulo. Tatlong pulo lamang ang pinaunlad para sa turista, at kabilang dito angGovernor's IslandQuezon Island, at Children's Island. Ang Governor's Island ay para sa pamilya, at may mga pinauupahang silid na may dalawang pinto. Samantala, ang Children's Island ay para sa mga nagtitipid na manlalakbay na ang mga silid ay may de-gaas na lampara. At ang Quezon Island naman ay para sa mahilig magpiknik at magkamping.

Taal Volcano

Ang Taal Volcano ay matatagpuan sa tagaytay. Luzon Tagaytay Philippines. 
Nakikita ito sa Tagaytay Phillipines 
isa pinakamaliit na bulkan sa buong daigdig.Ito ay matatagpuan sa Batangas. Ito ay isang aktibong bulkan. Napapaligiran ito ng tubig. Na tinatawag na lawa ng taal. Pangatlo ang lawa ng taal sa pinaka malaking lawa sa pilipinas. ito ay ang pinaka maliit na bulkan..maganda ,malinis ang paligid at maganda pagmasdan ang kanyang kataasan.


Tubbataha Coral Reefs

Ang bahurang Tubbataha ay isang pulo ng korales na pumapaligid sa lawa. Matatagpuan ito sa timog-silangan ng siyudad ng Puerto Prinsesa, Palawan. pinrinoklama itong World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Culutral Organization (UNESCO). oong Disyembre 1993 at nasa ilalim ito ng proteksyon ng Department of Natural Defense (DND). Pinapamahalaan ito ng Palawan Council for Sustainable Development at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Bahagi ang bahurang Tubbataha ng bayan ng Cagayancillo, Palawan.Ang salitang “tubbataha” ay pagsasanib ng dalawang salitang Samal na nangangahulugang “isang mahabang bahurang lumilitaw sa pagbaba ng tubig”. Ang bahura ay binubuo ng dalawang pulo ng korales na pumapalibot sa lawa na pinaghihiwalay ng lagusang walong kilometro ang lapad. Ang mas maliit na pulo ay limang kilometro ang haba at tatlong kilometro ang lapad samantalang ang mas malaking pulo ay labing anim na kilometro ang haba at limang kilometro ang lapad.
Sinasakop ito ng mga makukulay na korales ang dalawang-katlo ng buong lugar at tirahan ito ng napakaraming uri ng buhay-dagat. Ang biodiversity ng Tubbataha ay kumakalaban sa Great Barrier Reef ng Australia. Mayroon itong 300 na uri ng koral at 400 na uri ng isda.

Palawan Underground River

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New Seven Wonders of Nature na. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang 50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siuydad ngLungsod ng Puerto Prinsesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan na underground river sa buong mundo. Ang National Park ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla. Kapuna-puna sa lugar na ito ay ang limestone karst mountain landscape at ang 8.2 kilometro na underground na ilog. Makikita sa loob ng kuweba ang pagkakabuo ng mga stalactite at stalagmite, gayun din ang iba pang malalawak na yungib. Ang katangi-tanging anyo nito ay ang pagikot ng ilog sa buong kuweba bago ito tumuloy sa South China Sea.
Ang National Park ay isa ding habitat para sa biodiversity conservation sapagkat ang lugar na ito ay nagtataglay ng kalipunan ng mga organismo (mga hayop at halaman) na nabubuhay mula sa bundok hanggang sa karagatan. Matatagpuan dito ang mga nasa panganib na mga ibon ng Palawan tulad ng Palawan peacock-pheasant at ang Philippine cockatoo. Dahil dito, ang parke ay itinilaga bilang Important Bird Area (IBA), at kinilala ng UNESCO bilang World Heritage Site noong Disyembre 4, 1999.

Boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak (3 sa 17 barangay na binubuo ng bayan ngMalay), at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng AklanIto ay isang isla na pinupuntahan ng mga torista dahil ito ay may white sand na beach at may magandang tanawin na isla. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanluran ng panay islands......

Ang Boracay ay isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng bansa.